Sagot :
Ang Zoroastrianismo /ˌzɒroʊˈæstriənɪzəm/ na tinatawag ring Mazdaismo at Magianismo ay isang relihiyong batay sa mga katuruan ng propetang siZoroaster na kilala rin bilang Zarathustra sa Avestan. Ito ay dating isa sa pinakamalaking mga relihiyon. Ito ay malamang na itinatag noong mga panahong bago ang ika-6 siglo BCE sa silanganing bahagi ng Dakilang Iran. Sa Zoroastrianismo, ang manlilikhang si Ahura Mazda ay buong mabuti at walang kasamaan na nagmumula sa kanya. Kaya sa Zoroastrianismo, ang kabutihan at kasamaan ay may dalawang mga natatanging mga pinagmumulan na ang masama (druj) ay sumusubok na wasakin ang nilikha ni Mazda (asha) at ang mabuti ay sumusubok na panatilihin ito. Bagaman si Ahura Mazda ay hindi imanente sa daigdig, ang kanyang nilikha ay kinakatawan ng mga Amesha Spenta at malaking bilang ng ibang mga Yazatana sa pamamagitan ng mga ito ay ang mga gawa ng diyos ay ebidente sa sangkatauhan at sa pamamagitan ng mga ito ay ang pagsamba kay Maza ay dinirekta. Ang pinakamahalagang mga teksto ng relihiyong ito ang Avesta na ang malaking bahagi ay nawala at ang karamihan ay mga liturhiya lamang ang umiiral. Ang mga nawalang bahagi nito ay tanging malalaman sa mga sanggunian at maikling mga sipi sa mga kalaunang akda mula ikasiyam at ikalabing isang siglo. Sa ilang anyo, ito ay nagsisilbi bilang relihiyongpambansa o pang-estado ng malaking bahagi ng mga taong Iranian sa loob ng maraming mga siglo. Ang relihiyong ito ay naging kaunti nang angImperyong Achaemenid ay sinakop ni Alexander the Great at pagkatapos ay gumuho at nagkahati hati. Ito ay kalaunang unti unting itinuring na mababa ngIslam mula ikapitong siglo CE at patuloy sa pagbagsak ng imperyong Sassanid. Ang kapangyarihang pampolitika ng pre-Islamikong mga dinastiyang Iranian ay nagbigay sa Zoroastrianismo ng malaking prestihiyo sa mga sinaunang panahon at ang ilang mga nangungunang doktrina nito ay tinanggap sa ibang mga sistemang relihiyoso. Tinatayang may mga 124,000 at 190,000 na mga Zoroastrian sa buong mundo.[1]