Literal na nangangahulugan ang katapangan na kawalan ng takot sa isang partikular na bagay o sa kalakhan ng mga bagay. Suhektibo ang pagbibigay ng paglalarawan kung ano ang katapangan, para sa iba ito ay ang pagsuong sa mga bagay ng walang pagdadalawang-isip. Para naman sa iba, ang katapangan ay ang pagkaya sa mga bagay na hindi kaya ng nakararami.