Sagot :
Papel Na Ginagampanan Ng Pamahalaan Sa Lipunan
Ang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa lipunan ay, ang pamahalaan ang nagbibigay ng mga serbisyong panlipunan (https://brainly.ph/question/150898).
Mga Serbisyong Panlipunan
Serbisyong Pangkalusugan - Nasa likod ng pagpapatupad o paghahatid ng serbisyong ito ang Department of Health o DOH. Isa ito sa mga sangay ng pamahalaan. Ang sangay na ito ang nagbibigay o naghahatid ng mga programang medikal (https://brainly.ph/question/2604839) para sa mga mamamayan. Halimbawang programa ng sangay na ito ay ang PhilHealth.
Serbisyong Pang-edukasyon - Ang sangay naman na naatasan sa pagbibigay ng serbisyong pang edukasyon any ang Department of Education o DepEd. Ang sangay na ito ang nangangalaga sa mga mag-aaral at mababang mga paaralan sa bansa. Kamakailan lamang any inilunsad na ang K-12 na kurikulum (https://brainly.ph/question/2039890) sa paglalayong paunlarin ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Ang sangay din na ito ay nagbibigay ng mga skolarsyip para sa mga batang magagaling.
Serbisyong Pangkaligtasan - Naatasan ang mga pulisya, sundalo, navy at air force upang magkaroon ng payapa at ligtas na pamayanan at bansa.
Serbisyong Pangkabuhayan - Maraming ahensya ang tumutulong upang maihatid ang serbisyong pagkabuhayan tulad ng DOLE, na tumutulong sa pagbibigay ng maayos na trabaho sa mga tao.
Serbisyong Pang-imprastruktura - Ang DPWH ang naatasan sa pagtatayo ng mga pampublikong imprastruktura tulad ng tulay at kalsada.
#LearnWithBrainly