Sagot :
Sino ang mga tauhan sa kwentong rama at sita?
RAMA AT SITA
Epiko-Hindu (India)
Isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva
MGA TAUHAN:
Rama- asawa ni Sita
Sita-sita asawani Rama
Lakshamanan- Kapatid ni Rama
Surpanaka- kapatid ni Ravana
Ravana- hari ng mga higante at mga demonyo
Maritsa- may kakayahang mabago ang sarili.
- Surpanaka- kapatid ni Ravana na nagpanggap bilang isang magandang babae, nagkagusto kay Rama na nabigong maging asawa nito kaya’t nagsinungaling kay Ravana na hari ng mga higante at mga demonyo sa sanhi ng kanyang tinamong sugat upang bihagin si Sita ni Ravana, sa ganitong pamamaraan siya ay makagaganti na kay Rama.
- Rama- Asawa ni Sita, tinukso ni Surpanaka ngunit tumangging maging asawa nito dahil tunay at tapat ang nadaramang pag-ibig kay Sita. Handing makipagbuno para lamang sa katipan. Handing suungin ang anumang balakid, maipagtanggol lamang si Sita. Naging matagumpay sa pagbawi sa kanyang asawa.
- Lakshamanan- Kapatid ni Rama na nahagip ang tenga at ilong ni Surpanaka nang tagpasin niya ito nang magpanggap bilang isang babae upang tuksuhin si Rama. Pinagbintangan ni Sita na nais mamatay ang kanyang kapatid upang siya ang humalili bilang hari.
- Sita- Asawa ni Rama na nais mabihag ni Ravana upang maging asawa. Na inalok ng karangyaan ngunit mas nangibabaw ang pag-ibig kay Rama kaya’t tinanggihan niya ang lahat ng alok nito.
- Ravana- hari ng mga higante at mga demonyo kapatid ni Surpanaka .dumakip kay Sita, minsang nagpanggap bilang isang matandang paring Brahmin ngunit hindi siya nakapagpigil kay Sita at ianlok niya ito ng limang libong alipin at gagawing reyna ng lanka.
- Maritsa- May galling na mabago ang sarili sa kahit anong anyo at hugis. Ngunit tumangging tumulong kina Surpanaka at Ravana nang malamang sina Rama at Lakshamanan ang makakalaban sapagkat kakampi ng mga ito ay mga diyos, ngunit sa huli ay napapayag din ito sa ibang paraan sa pagpapanggap bilang isang gintong usa na puno ng mamahaling bato sa sungay nito na kinahumalingan ni Sita. Sa huli ay napana at namatay.
Rama at sita magkatulad
brainly.ph/question/1196530
brainly.ph/question/1954664
brainly.ph/question/1196530