ano ang kahulugan ng nalalambungan

Sagot :

Ang kahulugan ng nalalambungan ay natatakpan. Maaari din ito na may nakataklob o nakasaklob sa ulo ng tao, may takip at kulubong sa ulo. Ito ay madalas na tumutukoy sa babaeng naglaalagay ng tela o mantel sa ulo palibot sa kaniyang mukha kapag siya ay sisimba. Ang nalalambungan rin ay ginagamit sa mga bagay na natatakpan na hindi kita o abot tanaw ng ating mga mata.
Halimbawa
1. Ang puno na nalalambungan ng mga mabituing kalangitan.
2. ‎Nalalambungan ng makapal na tela ang mukha ng isang balo.
3. ‎Natatakpan ng makapal na usok ang kalsada.
4. ‎Nakasaklob ang ulo ng bata sa damit ng kaniyang ina.
5. ‎Ang babae ay nalalambungan ng telang kulay itim.