Ang bullionism ay tumutukoy sa isang sinaunang teoryang pang-ekonomiya noong panahon ng lumang Merkantilismo. Ang bullionism ay ang paniniwala na ang kaunlaran ng isang bansa ay nakabatay sa dami ng mga mahahalagang metal sa pagmamay-ari nito. Ito rin ang isa sa mga nagtulak upang magpaligsahan ang mga bansa na siyang tumuloy bilang kolonyalismo.