Magbigay ng limang halimbawa ng anaporik at kataporik


Sagot :

LIMANG HALIMBAWANG PAHAYAG SA ANYONG ANAPORIK

  1. May agarang bisita si Magda kaya hindi siya magkamayaw sa paghahanda.
  2. Nakalimutang iligpit ni Senyang ang kanyang mga labahin kahapon.
  3. Nahuli sa klase sina Bert at Paul kanina kaya napagsabihan sila ng guro.
  4. Paborito ko ang bag na bigay ni Ate kaya lagi ko itong ginagamit araw-araw.
  5. Nangungulila ako sa aking ina. Matagal ko na siyang hindi nakikita.

LIMANG HALIMBAWANG PAHAYAG SA ANYONG KATAPORIK

  1. Wala ka na ba talagang pakialam sa kanya? Siya pa rin ang iyong ina.
  2. Mapalad ka sapagkat ikaw ay anak ng isang mayamang angkan.
  3. Dapat lang na alagaan natin itong mabuti dahil wala ng ibang mundo ang maaari nating tirhan.
  4. Iwanan mo na siya sapagkat isa siyang lalakeng walang paninindigan.
  5. Ingatan natin sila dahil ayon sa ating pambansang bayani, ang kabataan ang pag-asa ng bayan.

ANAPORIK AT KATAPORIK

ANAPORIK

  • Ang isang pahayag ay nasa anyong anaporik kung ang panghalip ay lumalabas sa hulihan bilang pananda sa pangngalan sa unahan. Ibig sabihin, kung unang nabanggit ang pangalan bago ang panghalip nito , ito ay nasa anyong anaporik.

Halimbawa:

Natatakot akong magpunta ng Maynila sapagkat hindi ko kabisado ang lugar na ito.

Dalawa sa mga salita sa pahayag na ito ang tumutukoy sa iisang lugar – Maynila at ito. Dahil nauuna ang pangngalang Maynila sa panghalip na tumutukoy rito na walang iba kundi ito, ang pahayag ay nasa anyong anaporik.

KATAPORIK

  • Ang isang pahayag ay nasa anyong kataporik kung ang panghalip ay lumalabas sa unahan bilang pananda sa pangngalang binanggit sa hulihan. Ibig sabihin kung ang panghalip ay mas naunang nabanggit kaysa pangngalan, ang pahayag ay nasa anyong kataporik.

Halimbawa:

Sila ay dapat nating igalang at alagaang mabuti sapagkat sila ay ating mga magulang.

Sa pahayag na ito, dalawa sa mga salita ang tumutukoy sa iisang bagay lamang – magulang at sila. Nauuna sa pahayag ang panghalip na “sila”bago pa binanggit ang magulang kaya ang pahayag na ito ay nasa anyong kataporik.

Para sa karagdagang kaalman, buksan ang:

https://brainly.ph/question/270975

https://brainly.ph/question/502810