masasalamin ba sa talumpati ang kalagayang panlipunan ng bansang pinagmulan nito?

Sagot :

Talumpati:

Oo. Masasalamin sa talumpati ang kalagayang panlipunan ng bansang pinagmulan nito.

Ang talumpati ay tumutukoy sa sanaysay na binibigkas ng mananalumpati sa harap ng publiko upang magturo, magpabatid, manghikayat, manlibang, pumuri, pumuna, at bumatikos. Sapagkat ang paksang nilalaman nito ay napapanahon, ito ay kadalasang sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan at ng bansang tinatalakay dito. Sa bansang Pilipinas, ang mga mambabatas ay kadalasang nagbibigay ng kani - kanilang talumpati upang ipahayag ang kanilang kaalaman at saloobin sa mga isyung panlipunan na tinatalakay bago humantong sa paggawa ng mga batas at ordinansa na sa kanilang palagay ay makatutulong upang maiangat ang kalagayang panlipunan ng bansa. Bilang halimbawa, ang talumpati na ibinigay ni Dilma Rousseff, ang kauna - unahang pangulong babae ng bansang Brazil noong 2011. Sa kanyang talumpati ay tinalakay niya ang diktaturyal na isang malawakang isyung panlipunan.

Keywords: talumpati, kalagayang panlipunan

Kahulugan ng Talumpati: https://brainly.ph/question/902682

#BetterWithBrainly