epekto ng kalakalan sa ekonomiya at kultura sa timog at kanlurang asya

Sagot :

Itinuturing na pangunahing mangangalakal sa Asya ang lahing Arabo, Indian, Tsino, at Malay, bago nagsimula ang panahon ng pananakop ng mga Kanluraning Bansa.

Ang mga mangangalakal na ito ay nagdala ng kani-kanilang mgaprodukto lalo’t higit sa Timog Silangang Asya kasabay ng kanilang pagpapalaganapng mga paniniwala at kaugalian dito.

Dahil sa industriyalisasyon sa Europa at pananakop ng mga Kanluraning Bansa sa Asya, ang Asya ay naging pamilihan din ng mga kalakal na gawa ng mga dayuhan.


Sa India, minsan na ring humina ang katutubong industriya ng paghahabi dahil sa malawakang pagdagsa sa pamilihan nito ng mga telang gawa ng mga Ingles.

Sa pandaigdigang kalakalan makikitang hawak ng mga bansang Arabo sa pangunguna ng Saudi Arabia, Iraq at Kuwait ang malaking reserba ng langis samu ndo.

Kabilang din ang tatlong bansa sa Organization of Petroleum Exporting Countries na kung saan ay nagkokontrol sa presyo ng langis sa pandaigdigang kalakalan.



Mga Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya - 
https://brainly.ph/question/278191
Uri ng pamahalaan sa Timog at Kanlurang Asya - https://brainly.ph/question/493197
Mga Bansa at Kabisera ng Kanlurang Asya - https://brainly.ph/question/82802