Sagot :
Ito ay isang epiko ng Imperyong Mali sa Africa. Ito ay tungkol sa isang prinsepe na dumaan sa mahirap na kapalaran na si Maghan Sundiata Keita na tinawag ding Mari Djata.
Nagsimula ang lahat sa kaharian ng Mandinka na ang hari ay si Maghan Kon Fatta at ang reyna ay si Sassouma Berete. Isang araw, may dumalaw sa kanila manghuhula at sinabi na ang hari ay makakapangasawa ng isang kubang babae at magkakaanak ng isang sanggol na lalaki na magiging tanyag at pinakamakapangyarihang hari. Sa panahong iyon, ang hari at reyna ay may anak ng lalaki na si Dankaran Touma Keita.
Ngunit, dumating nga sa palasyo ang isang kuba na babaeng nagngangalang Sogolon Kadjou. Naalala ng hari ang sinabi ng manghuhula at dahil sa kagustuhang magkaroon ng anak na magiging pinakamakapangyarihan, pinakasalan niya ito. Sila ay nagka-anak ng lalaki na pinangalanang Sundiata Keita o Mari Djata. Siya ay nagmana sa kanyang ina sa itsura at sa pagiging kuba.
Nang pumanaw si Haring Konate, pumalit sa trono si Dankaran at ipinag-utos niya na ipatira ang mag-inang Sogolon at Sundiata sa labas ng kaharian. Sila ay nanirahan sa kaharian ng Mema kung saan dumaan si Sundiata sa pagsasanay at naging magaling na tagapagtanggol. Siya ay naging dakilang kawal at inatasang maging susunod na tagapagmana ng trono ng kaharian ng Mema.
Sa kabilang dako, ang kaharian ng Mandinka ay nilusob ng hari ng Sosso na si Soumaoro. Ang hari ng Mandinka na si Dankaran ay tumakas at nagtago kung kaya humingi ng tulong ang mga mamamayan nito kay Sundiata at matagumpay na nanalo ito. Natalo niya si Haring Soumaoro sa pamamagitan pana. Dahil dito, siya ay tinaguriang pinakamakapangyarihang hari sa pinagsamang kaharian pinamumunuan ang Mandinka at Mema.
Ang Sundiata o ang epiko ng sinaunang Mali ay isang epiko na pumapatungkol sa mga ninuno ng Sundiata at siya namang ikinikwento ni Djeli Mamadou Kouyate. Sinasabi na magkakaroon ng isang di kagandahan na asawa si Maghan Kon Fatta at magbubuntis ng isang dakilang pinuno. Binaggit rin dito ang pakikipaglaban ni Sundiata kay Soumaoro gamit ang isang mahikal na palaso. Natalo ni Sundiata si Soumaoro at di nagtagal pati ang mga haring malapit dito, pagbalik ni Sundiata ng Niani ay kanyang itinatag ang imperyo ng Mali.