Ang axis power na kilala rin bilang Axis at Rome–Berlin–Tokyo Axis ay isang grupo na binubuo ng mga bansang lumaban sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig laban sa kaanib ng United Nations. Ito ay nagsimula noong kalagitnaan ng 1930s sa paglalagda ng Germany at Italy ng isang kasunduan noong Oktubre taong 1936. Ang mga bansang Germany, Italy, at Japan ang bumubuo nito.