Ano ang mga kultura ng mga pilipino?


Sagot :

Wika, Paniniwala, Tradisyon o Kaugalian, Pagkain, Sining, Kasuotan, Relihiyon
Wika - Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan sa paghahatid at pagtanggap ng mensahe. Halimbawa: Filipino, Ilocano, Hiligaynon, Bisaya atbp.
Tradiyon o Kaugalian
Ito ang mga paniniwala o opinyon na naisalin mula sa mga magulang papunta sa mga anak nila.
Ang mga Pilipino ay sadyang mahilig sumunod sa mga nakagawian na at samga tradisyon. Sila din ay mahilig maniwala sa mga pamahiin. Halimbawa: Piyesta, Pamamanhikan, Harana, Simbang Gabi, atbp.
Madalas na Paniniwala/Pamahiin
Sa Kusina:
Bawal kumanta sa harap ng kalan - may masamang mangyayari.Bawal kumanta sa hapag-kainan – simbolo ng hindi pagrespeto.Bawal paglaruan ang apoy – maaaring lumabo ang mata.Hindi dapat makabasag ng pinggan sa araw ng okasyon – ito ay simbolo ng kamalasan.
Sa Kasal:
Bawal isukat ang damit pangkasal – Maaaring hindi matuloy ang kasal. Bawal magkita ang magkapareha bago ang araw ng kasal – maaaring mamatay ang isa sa kanila.Dapat unahan ng babae ang lalake na lumabas ng simbahan – upang hindi siya maliitin.Kapag umulan sa araw ng kasal – simbolo ng kaswertehan.


Kapag may sumakabilang-buhay
Bawal matulog sa tabi ng kabaong – maaaring hindi mo mapipigilan ang paggalaw ng ulo mo. Pagsuutin ng pulang damit ang mga bata/ Pagtawid ng mga bata sa kabaong – upang hindi sila guluhin ng namayapa. Dapat putulin ang kwintas na nakakabit sa namayapa – upang hindi na siya masundan.Bawal magwalis sa araw ng burol – bilang respeto. Bawal matuluan ng luha ang kabaong – upang hindi siya mahirapan sa pag-akyat sa langit.
Iba pang pamahiin:
Bawal maggupit ng kuko sa gabi – upang hindi malasin .Paggsing ng alas tres ng madaling araw – maaaring may dumalaw sa inyo. Paggising ng mga ispiritu.Kapag may nakita kang taong pugot ang ulo – maaari siyang mamatay (pwede itong mapigilan basta ibaon lang ang kanyang damit sa lupa)

Hope it helped ☺