Sagot :
“Hanggang sa pumanaw ako ay hindi ko aalisin sa akin ang aking katapatan!”—JOB 27:5.1, 2. Ano ang dapat nating pagsikapang gawin, at anu-anong tanong ang ating isasaalang-alang?GUNIGUNIHIN mong nakatingin ka sa plano ng isang bahay. Manghang-mangha ka sa pagiging praktikal ng disenyo nito. Nasisiyahan kang isipin kung paano ka makikinabang at ang iyong pamilya sa bahay na iyon. Pero hindi ka ba sasang-ayon na bale-wala ang mga planong iyon at anumang pakinabang na naiisip mo malibang aktuwal na pagsikapan mong itayo ang bahay, tumira doon, at mantinihin ito?2 Sa katulad na paraan, maaaring batid natin na napakahalagang katangian ang katapatan o integridad anupat iniisip na magdudulot ito ng malaking kabutihan sa atin at sa mga mahal natin sa buhay. Pero bale-wala rin ang pag-iisip ng tungkol sa katapatan kung hindi natin aktuwal na pagsisikapang maging tapat sa Diyos. Sa ngayon, kadalasan nang nangangailangan ng malaking halaga ang literal na pagtatayo ng bahay. (Luc. 14:28, 29) Sa gayunding paraan, kailangan ng panahon at pagsisikap para maging tapat sa Diyos pero sulit na sulit naman ito. Kaya isaalang-alang natin ang tatlong tanong na ito: Paano natin maipapakita ang ating katapatan sa Diyos? Paano natin mapananatili ang ating katapatan bilang Kristiyano? Ano ang maaaring gawin ng isa kung hindi niya napanatili ang kaniyang katapatan?
mahalgang mahalaga ito dahil kung hindi para lang nating niloloko ang ating mga sarili