Ang Kanlurang Asya ay itinuturing na Moslem World at ikinakategorya bilang Arid Asya. Dito lilinangin sa iyo ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Kanlurang Asya tulad ng parabula, awit, at elehiya, maikling kuwento, sanaysay, at epiko. Dito mo rin mababatid ang tungkol sa mga pagpapakahulugang semantika, papapasidhi ng damdamin, pamaksa at pantulong na pangungusap, uri ng paghahambing, at mga pahayag na nangangatuwiran sa ginawi ng tauhan. Marami kang matutuklasan na kawili-wiling mga akda mula sa Kanlurang Asya.