Ang pagpapasidhi ng damdamin ay isang paraan kung saan ang emosyon at damdamin mismo ang siyang nangingibabaw na antas pagpapahayag. Ang halimbawa nito ay pagalit na sigaw. Dahil sa nararamdamang galit ay naibulalas niya ang kaniyang nararamdaman sa pagsigaw. Ang isa pang halimbawa nito ay ang pabulong na iyak. Dahil sa kagustuhan niyang itago ang nararamdaman at huwag malaman ng iba, siya ay umiyak ng pabulong. Mapapnsin natin sa mga halimbawa ang dalawang magkaibang saloobin. Ang dalawang antas na ito ng pagpapahayag ay masasabing pagpapasidhi ng damdamin.