ano ang kahalagahan ng feasibility study


Sagot :

Ang feasibility study ay karaniwang ginagawa bago bumuo ng isang proyekto, negosyo o pananaliksik. Ang kahalagahan ng feasibility study ay ito ay tumutulong upang malaman kung karapat-dapat bang ituloy ang isang proyekto, negosyo o pananaliksik. Bukod dito, natutukoy rin sa feasibility study ang mga hakbang na kinakailangan upang maresolba ang mga hadlang sa pagbuo ng isang proyekto, negosyo o pananaliksik. Kaugnay nito, ang karagdagang detalye tungkol sa kahalagahan ng feasibility study ay narito.

I. Kahalagahan ng Feasibility Study

  • Ang feasibility study ay mahalaga dahil sa pamamagitan nito, natutukoy kung karapat-dapat bang itayo ang isang proyekto, negosyo o pananaliksik.
  • Ito rin ay tumutulong upang matiyak ang mga posibilidad sa pagsasakatuparan ng mga planong gawin.
  • Sa pamamagitan nito, natutukoy ang mga maaaring maging hadlang sa pagtatayo ng isang proyekto, negosyo o pananaliksik. Sa feasibility study rin nakakapagplano kung ng mga solusyon kung paano mareresolba ang mga hadlang na ito.

II. Iba pang Detalye tungkol sa Feasibility Study

  • Kinakailangan sa feasibility study ang pananaliksik.
  • Dahil dito, mga pormal na mga salita ang kinakailangan sa pagsusulat ng feasibility study.

Iyan ang ilang detalye ukol sa kahalagahan ng feasibility study.

Narito ang iba pang mga links tungkol sa nasabing paksa.

  • Iba pang kahalagahan ng feasibility study: https://brainly.ph/question/297259
  • Ano ang gamit ng feasibility study: https://brainly.ph/question/1569519
  • Ano ang kahulugan ng feasibility study: https://brainly.ph/question/879658