Ang aggressive nationalism o ultranationalism ay ang konsepto kung saan ang mga mamamayan o ang isang bansa ay may matinding o masidhing kagustuhan na magpalawak ng teritoryo. Naniniwala ang mga bansang ito na ang kanilang bansa o lahi ay mas makapangyarihan o mas dominante kaysa sa ibang bansa o ibang lahi.