Si Georges Eugène Benjamin Clemenceau o kilala rin bilang George Clemenceau ay isang Pranses na naging Punong Ministro ng kanilang bansa noong panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig. Nakilala siya bilang isa sa mga namuno sa grupong Independent Radicals. Naging mataas rin ang kanyang katungkulan sa Thrid Republic. Siya ang pangunahing katauhan na malaki ang pagnanais na mapabagsak ang mga Aleman nung unang digmaan. Napagtagumpayan niyang mapatupad ang Treaty of Versailles na naging kadahilan ng tuluyang pagbagsak ng Alemanya. Binansagan siya bilang "Père la Victoire" o may kahulugang Father Victory dahil sa pagtatagumpay nito sa kanyang inaasam na pagbagsak ng kalabang bansa. Ang kanyang pagtatagumpay bilang pinuno ng Pransya sa unang digmaan ay naglagay sa kanyang buhay sa panganib.
#LetsStudy
Mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng unang digmaang pandaigdig:
https://brainly.ph/question/2101202
Sanhi ng pagsiklab ng unang digmaan:
https://brainly.ph/question/2122446
Mga namuno sa unang digmaan:
https://brainly.ph/question/543273