Sagot :
Pang - Uri
Pang - uri ay mga salitang naglalarawan. Ang inilalarawan ay maaring pangngalan, panghalip, o pandiwa. Nagsasabi ng dami at kaanyuan. Ang mga maikling kwento ay gumagamit ng mga pang - uri upang higit na mapatingkad ang tauhan sa kwento. Ang mga pang - uri din ang naglalarawan ng tagpuan, tema, at pangyayari sa kwento.
Halimbawa ng Kwento na may Pang - uri:
- Ang Mahiwagang Singsing ni Reyna Marikit
- Ang Bahay na Napalilibutan ng Pader
- Ang Ating Likas na mga Palatandaan
- Ang Engkantada ng Makulot
- Ang Matalinong Pintor
- Bakit Mataas ang Langit?
- Dalawang Lapis
- Kapuri - puring Bata
- Matapat na Bayani
- Reynang Matapat
Ang mga salitang may salungguhit sa bawat pamagat ng mga kwentong nabanggit ay mga pang - uri. Sa mga pamagat na iyan ay may mga inilalarawan. Halimbawa, sa unang bilang ang pang - uri ay mahiwaga at marikit. Samantalang ang inilalarawan ay ang singsing at ang reyna.
Sa ikalawang bilang ang pang - uri ay napalilibutan at ang inilalarawan ay ang bahay.
Sa ikatlong bilang ang pang - uri ay likas at ang inilalarawan ay mga palatandaan.
Sa ikaapat ang pang - uri ay makulot at ang inilalarawan ay ang engkantada.
Sa ikalima ang pang - uri ay matalino na naglalarawan sa pintor.
Sa ikaanim ang pang - uri ay mataas na naglalarawan sa lanit.
Sa ikapito ang pang - uri ay dalawa na naglalarawan ng bilang ng lapis.
Sa ikawalo ang pang - uri ay kapuri - puri na naglalarawan sa bata.
Sa ika - siyam at panghuling bilang ang pang - uri ay matapat na naglalarawan sa bayani at reyna.
Ano ang pang - uri at mga halimbawa nito: https://brainly.ph/question/1857553
https://brainly.ph/question/231158
#LearnWithBrainly