ano ano ang naging sagot ng simbahang katoliko sa repormasyon?

Sagot :

EPEKTO NG REPORMASYON



-à Pinahina ng Repormasyon ang impluwensya sa pulitik ng simbahan Katoliko Romano. Dahil ditto hinayaang maging Malaya ang ilan sa mga bansa.


-à Sa ilang aspeto, pinalaks ng repormasyon amg pamumuno ng mga hari at nakakuha sila ng malaking pag-aari mula sa simbahan.


-à Ngunit ang Repormasyon ay nakatulong din upang umusbong muli ang demokrasya. Ang Protestantismo ay nagpalakas sa tungkulin ng mga tao sa simbahan lalo na ang mga tagasunod ni Calvin.


-à Ang Protestantismo ay nagpalakas din sa tinatawag na gitnang uri(middle class).


-à Ilan sa mga gitnang uri ang nagkamit ng yaman mula sa mga nakuhang pag-aaring lupa ng simbahan.


-à Ang Calvinism ay nagpalakas sa mga hanapbuhay ng mga negosyante, naghikayat ng pagtitipid at tamang kita.


-à Ang Repormasyon ay nakatulong upang patatagin at paunlarin ang mga relihiyosong kalakaran sa buong Europa. Binigyang lakas nito ang interes sa relihiyon na nanghihina na noong Gitnang Panahon.


-à Pagdating na Ika-17 siglo, marami sa kanila ang naniniwalang hindi nila maaaring pilitin ang sinuman na tanggapin ang kaisipan na hindi naman tugma sa sariling paniniwala at pananampalataya sa isang tao.




EPEKTO NG KONTRA-REPORMASYON




-à Namayagpag ang protestantismo sa mga lugar ng Scandinavia, Inglatera, Scotland, Switzerland, Alemanya, Pransya, Poland, Hungary, At Netherlands. Ito ay bunga ng rebolusyon ni Luther.


-à Nagtalaga ang Simbahan ng ilang mga reporma upang muling makamtan ng Simbahan ang tiwala ng mga Bansa.


-à Itinayo ng Simbahan ang ilan sa mga kautusan ng relihiyon upang mapatatag ang Simbahan.


-à Ang mga mongheng Capuchino na mula sa mga Pransiskano ay inatasang magturo at mag-alaga sa mahihirap at may sakit.




Naging matagumpay ang Konta-repormistang Gawain ng mga heswita. Noong ika-17 siglo, napatigil ng Romanong Simbahang Katoliko ang paglaganap ng Protestanismo sa Pransya. Bunga nito ay nakuha muli ng Simbahn ang Hungary at Poland at napanatili ang Katolisismo sa Bavaria, Austria, Ireland at Katimugang Netherlands (ngayon ay Belgium).