Kung ang sinasabing tula ay ang 'Ang Hele ng Ina sa kaniyang Panganay' ay ito ang sagot ko sa iyong tanong.
Ang mga taga-Uganda ay pinapahalagahan, iniingatan, at minamahal ang kanilang mga anak at iniisip nila ang mangyayari sa hinaharap at ang kinabukasan ng kanilang anak. Maaring ito'y kaugalian na ng mgataga-Uganda. Isa sa mga kultura nila ay ang paniniwala nila na ang pagpapakabayani ay isang paraan upang makatulong at sila'y maging parte ng alaala ng mga tao. Naniniwala rin sila na talagang utang ng mga anak ang kanilang buhay sa mga magulang lalo na sa kanilang ama.