Halimbawa ng bow-wow sa filipino

Sagot :

Answer:

TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA  

         Ang teorya ay ang  sistematikong pagpapaliwanag tungkol sa kung paanong ang dalawa o hight pang phenomenon ay nagkaugnay sa bawat isa. Ito rin ay haka-haka ng mga indibidwal na nagtangkang magpaliwang ng anumang bagay na naitala sa kasaysayan. Ayon sa isang manunulat tinatayang may 3,000 na taon na ang nakalipas na magkaroon ng interes ang tao na pag aralan ang pinagmulan ng wika.  

DALAWANG PANGKAT NG TEORYANG PINAGMULAN NG TAO

• Teoryang biblical

• Teoryang Siyentipiko o makaagham

Teoryang biblical-  may dalawang tala mula sa bibliya ang tumatalakay sa paglaganap ng ibat-ibang wika sa panig ng mundo. Ito ay ang kasaysayan ng tore ni babel na binanggit sa lumang tipan at ang ikalawa ang pentecostes na nasa bagong tipan naman

Teoryang Siyentipiko o makaagham- Ito ay nagsimula noong ika 12 siglo ang pag aaral tungkol sa pagkakaroon ng ibat-ibang wika sa mundo.

URI NG TEORYANG SIYENTIPIKO O MAKAAGHAM

Teoryang Bow-wow

• Teoryang Ding-dong

• Teoryang Pooh-Pooh

• Teoryang  Ta-ra-ra-ra-boom-de-ay

ANG TEORYANG BOW-WOW

Ayon sa teoryang ito, maaring sa wika raw ng tao ay mula sa panggagaya  o panggagad ng tunod na nagmumula sa kalikasan. At dahil ang tao noon ay primitibo at kulang na kulang sa mga bokabularyong magagamit kung kaya’t ang mga naririnig na lamang nila na bagay bagay ang kanilang natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na naliklikha ng mga ito.

Mga Halimbawa ng teoryang bow-wow

*Tahol ng aso-  Tunog ng aso ang ginagaya nila gaya nila ay ang uunog na aw-aw.

* Tunog ng tuko- marahil ito ang dahilan kung bakit tuko ang tawag ng mga tao rito, marahil dahil nalilikha ito ng tunog ng nasabing insekto.

* Tunog ng pusa miyaw

*Kulog at kidlat - Booom

*Langitngit ng kahoy - gritgritgrit

*Ihip ng hangin - Shhhhh

Kung ating papansinin ang mga batang bago palang natututo magsalita ay nagsisimula sa panggagaya ng tunog.

Para sa karagdang reperensya buksan lamang ang mga link sa baba

https://brainly.ph/question/409740

https://brainly.ph/question/1049666

https://brainly.ph/question/746441