Ano ang anaporik at kataporik?
Magbigay ng halimbawa nito.


Sagot :

Anaporik ang tawag sa panandang pangalan kapag  ang elementong pinalitan ng panghalip  ay mas naunang  nabanggit sa unahan ng pahayag o panghalip sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan na nabanggit sa unahan. Halimbawa:a. Patuloy na dinarayo ng mga turista ang Sta. Fe sa  Bantayan Island dahil sila’y totoong nagagandahan dito.
Kataporik naman kung ang elementong pinalitan ay nabanggit pagkatapos ng panghalip na ipinalit.Halimbawa:a. Patuloy nilang dinarayo ang Sta. Fe sa  Bantayan Island dahil ang mga turista’y totoong nagagandahan dito.

(c) Taskmasters