Ang akdang "Tilamsik ng Sining...Kapayapaan" ay isang sanaysay na naglalahad ng katotohanang, ang kapayapaan ay maaaring makamit sa tahimik na paraan. Ang tahimik na paraan na tinutukoy dito ay ang sining. Ang pakikipaglaban upang makamit ang kapayapaan ay maaaring maipakita sa pamamagitan ng pagpipinta, pag uukit, pagsulat ng isang akda, sa pagsayaw o ang paggawa ng himig.
Isinasaad din dito na hindi kailangan ng tabak o baril upang magkaroon ng tunay na kapayaan.