ano ang ibig sabihin ng tono, diin, haba

Sagot :

Ibig Sabihin ng Tono, Diin, at Haba

Ang tono, diin, at haba ay mga ponemang suprasegmental. Narito ang kahulugan ng bawat isa:

Tono

Sa Ingles, ito ay pitch. Ito ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng pagbibigkas ng pantig ng salita. Nakatitulong ito upang mas mailahad ng maayos ang pahayag. Ang bilang 1 ang mababa, 2 katamtaman at 3 para sa mataas.

Halimbawa:

Kanina - 231 (nagpapatibay)

Kanina - 213 (nagtatanong)

Diin

Sa Ingles, ito ay stress. Ito naman ay tumutukoy sa lakas ng pagbigkas ng pantig ng salita. Ang malaking titik ang binibigyang diin.

Halimbawa:

BU:hay - kapalaran

bu:HAY - hindi patay

Haba

Sa Ingles, ito naman ay length. Ito ay ang haba ng bigkas sa patinig ng isang pantig.Ginagamit ang tuldok para ipahayag ang haba.

Halimbawa:

bu.kas - susunod na araw

bukas - hindi sarado

Para sa kahulugan ng ponemang suprasegmental, basahin sa link:

https://brainly.ph/question/463840

#BetterWithBrainly