Ano-ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mean,median, at mode?


Sagot :

Magkapareho ang Mean, median at mode dahil silang tatlo ang ginagamit sa paghahanap ng average sa group of numbers, etc. Magkaiba naman sila sa paraan ng paggamit. Halimbawa, Sa paghahanap ng average gamit ang mean, i-add lahat ng numbers at i-divide sa kung ilan ka-numbers yung in-add mo. Halimbawa, (5,6,7,8,9) 5+6+7+8+9=35, 35 divided by 5= 7, ang mean or average is seven.
 Habang sa median naman, i-arrange mo lang ang number decreasing or increasing order at ang pinakagitna ang average. Halimbawa, (5,6,7,8,9) Ang median ay seven dahil siya yung pinakagitna.
At ang mode naman, kung anong number ang pinakamarami ang paulit-paulit, iyon na yung average. Halimbawa, (1,4,2,6,8,4,4,6,8,4,3) ang mode ay four dahil siya yung pinakaraming beses na lumabas na number.