Sagot :
-à Pinahina ng Repormasyon ang impluwensya sa pulitik ng simbahan Katoliko Romano. Dahil ditto hinayaang maging Malaya ang ilan sa mga bansa.
-à Sa ilang aspeto, pinalaks ng repormasyon amg pamumuno ng mga hari at nakakuha sila ng malaking pag-aari mula sa simbahan.
-à Ngunit ang Repormasyon ay nakatulong din upang umusbong muli ang demokrasya. Ang Protestantismo ay nagpalakas sa tungkulin ng mga tao sa simbahan lalo na ang mga tagasunod ni Calvin.
-à Ang Protestantismo ay nagpalakas din sa tinatawag na gitnang uri(middle class).
-à Ilan sa mga gitnang uri ang nagkamit ng yaman mula sa mga nakuhang pag-aaring lupa ng simbahan.
-à Ang Calvinism ay nagpalakas sa mga hanapbuhay ng mga negosyante, naghikayat ng pagtitipid at tamang kita.
-à Ang Repormasyon ay nakatulong upang patatagin at paunlarin ang mga relihiyosong kalakaran sa buong Europa. Binigyang lakas nito ang interes sa relihiyon na nanghihina na noong Gitnang Panahon.
-à Pagdating na Ika-17 siglo, marami sa kanila ang naniniwalang hindi nila maaaring pilitin ang sinuman na tanggapin ang kaisipan na hindi naman tugma sa sariling paniniwala at pananampalataya sa isang tao.