paano mo ipaparamdam sa kaibigan mo na tunay kang kaibigan?


Sagot :

Paano ko nga ba maipaparamdam sa aking kaibigan na ako ay isang tunay na kaibigan

  1. Maipaparamdam ko sa aking kaibigan na ako ay isang tunay na kaibigan sa pamamagitan ng pagdamay sa kanya sa lahat ng oras masaya man siya o sa panahon ng mga problema.
  2. Maipaparamdam ko sa aking kaibigan na tunay akong kaibigan kung pati ang mga pagkakamali niya ay napupuna ko, ang pagtatama sa mga maling ginagawa niya na alam kung ikapapahamak niya.
  3. maipapakita ko sa aking kaibigan na tunay akong kaibigan sa pag bibigay ng mga payo sa kanya na walang halong kaplastikan
  4. maipapakita ko sa aking kaibigan na tunay akong kaibigan kung pati mga kalokohan niya ay nasasakyan ko.
  5. Maipapakita ko sa aking kaibigan na tunay akong kaibigan kung naiintindihan ko ang mga pagkukulang nya.
  6. Maipapakita ko sa kaibigan ko na tunay akong kaibigan kung tanggap ko kung ano lang ang mron sya.

  • Napakahalagang magkaroon ng isang tunay na kaibigan na hindi ka iiwan s sa lahat ng oras iyong parang kapatid na ang inyong turingan iyong kahit mag karoon kayo ng di pagkakaintindihan ay nandiyan parin para unawain ang bawat isa, kaya kung nakatagpo ka na ng tunay na kaibigan ipagpasalamat mo ito sa diyos dahil isa itong biyaya.dahil sa panahon ngayon mahirap ng makatagpo ng isang tunay na kaibigan.

Buksan para sa karagdagang kaalaman

Anekdota Tungkol Sa Kaibigan https://brainly.ph/question/505938

Ang tunay na kaibigan sa gipit nasusubukan https://brainly.ph/question/1382447

Tunay na kahalagahan ng kaibigan https://brainly.ph/question/985321