Answer:
Ang kolonyalismo ay ang direktang pananakop ng mga dayuhan sa isang bansa upang mapagsamantalahan at kuhaan ng likas na yaman para sa kanilang sariling interes.
Ito ang ginawa ng mga Espanyol at Amerikano noon, gumamit sila ng dahas at mga militar upang masalakay ang bansa at hindi lumaban ang mga tao.
Ang Imperyalismo naman ay hindi direktang pananakop na mismong bansa at hindi pisikal na panghihimasukan. Bagkus, ito ay idinadaan sa mga polisiya, kultura, at iba pang impluwensya sa isang maliliit na bansa.
Ginagawa rin nila ito upang makakamal ng kapital at lumawak ang kanilang kapangyarihan. ang imperyalismo rin ay itinuturing na huling lebel ng kapitalismo.