Sagot :
BINAGONG GABAY SA ORTOGRAPIYA NG WIKANG FILIPINO
Komisyon sa Wikang Filipino, Edisyong 2013
PAGSULYAP SA KASAYSAYAN BILANG PANIMULA
ni Virgilio S. Almario
Ang gabay sa ortograpiya ng wikang Filipino ay binubuo ng
mga tuntunin kung paano sumulat gamit ang wikang Filipino. Hinango
ang mga tuntunin sa mga umiiral na kalakaran sa paggamit ng Wikang
Pambansa, bukod sa napagkasunduang mga tuntunin, bunga ng mga
forum at konsultasyon, hinggil sa mga kontrobersiyal na usapin sa
ispeling. Ninanais palaganapin sa g a b a y n a ito ang
estandardisadong mga grapema o pasulat na mga simbolo at ang
mga tuntunin sa paggamit at pagbigkas ng mga simbolong ito.
Itinatanghal din dito ang mga naganap na pagbabago mula sa panahon ng
abakadang Tagalog bunga ng bagong alpabeto at bunga na rin ng
umuunlad na paggamit sa Wikang Pambansa.
Hindi ninanais na maging pangwakas na mga tuntunin ang
nilalaman ng gabay na ito. Wika nga noon pang 1906 ni Ferdinand de
Saussure habang binubuo ang mga pangkalahatang simulain sa
lingguwistika, mahirap mahúli ang bigkas ng isang “buháy na wika.” At
isang malusog at umuunlad na wika ang Filipino. Wika pa niya, “Ang
bigkas sa isang salita ay ipinapasiya, hindi ng ispeling, kundi ng
kasaysayan nitó.” Higit na mapapahalagahan ang bawat tuntuning
ortograpiko sa gabay na ito kapag sinipat mula sa pinagdaanang
kasaysayan nitó kalakip ang paniwala na patuloy itong magbabago
samantalang umuunlad ang pangangailangan ng madlang gumagamit ng
wikang Filipino.
Mulang Baybayin Hanggang Abakada
Ang kasaysayan ng ortograpiya ng wikang Filipino ay maaaring ugatin
mula sa sinaunang panahong gumagamit ang mga Filipino ng katutubong
paraan ng pagsulat na tinatawag na baybayin. Sa ulat ng mga
misyonerong Espanyol, nadatnan niláng 100 porsiyentong letrado ang
mga Tagalog at marunong sumulat at bumása sa baybayin ang matanda’t
kabataan, lalaki man o babae. Dahil sa pangyayaring ito, kailangan
niláng ilimbag ang unang aklat sa Filipinas, ang Doctrina Christiana (1593), nang may bersiyon ng mga dasal at tuntuning Kristiyano sa
paraang baybayin. Sa gayon, ang libro ay binubuo ng mga tekstong
Espanyol at may salin sa Tagalog, nakalimbag ang tekstong Espanyol at
Tagalog sa alpabetong Romano ngunit inilimbag din ang tekstong salin
sa baybayin. Nakahudyat na rin sa libro ang isinagawang romanisasyon
ng ortograpiyang Filipino sa buong panahon ng kolonyalismong
Espanyol.
SANA MAKATULONG:)
MODULE WELL