Ang Ilog ng Parongking Sagana ang pamumuhay ng mga tao sa Balani noong unang panahon dahil sa biyayang dulot ng Parongking River. Ang mga biyayang nakukuha local ang ikinabubuhay at pinagkakakitaan ng mga tao gaya ng isda, hipon, alimango, tulya, alimasag at iba pa. Sa pagdaan ng panahon ang dating sagana at malinis na ilog ay naging marumi dahil sa pagbabago sa kapaligiran dulot ng industriyalisasyon at sa walang pakundangang pagtatapon ng mga basura at patay na hayop ng mga taong nakatira malapit sa ilog. Dito rin itinatapon ng mga pabrikang nakapaligid ditto ang kanilang mga dumi at kemikal na ginagamit sa kanilang pagawaan. Ang suliraning ito ay naipagbigay-alam sa pamunuan ng local na pamahalaan at agad na binigyang-pansin. Inilunsad ang "Ilog Ko Aroen Ko" para mapanumbalik ang kalinisan at kasaganaan ng ilog. Nagkaroon ng paghuhukay . gamit ang makina para maalis ang mga naipong mga basura sa ilalim nito. Bumuo ang lokal na pamahalaan ng mga batas na nagbabawal sa mga pabrika na itapon ang kanilang mga dumi sa ilog. Nagkaroon din ng mga ordinansa ang barangay para sa mga tao sa wastong pagtatapon ng kanilang mga basura. Dahil sa mga pagsusumikap ng lokal na pamahalaan unti-unting bumabalik ang dating sigla at kalinisan ng Parongking River. mga tanong: 1.ano ANG pamagat Ng teksto? 2.ano ano ang mga mahahalagang Impormasyun ANG narinig ninyo SA balita? 3.maari bang gawing patalata ang mga Impormasyong Ito? 4.ano ANG buod o lagom na isusulat?