A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Isulat sa sagutang papel ang hinihingi sa bawat bilang. Gawin ito sa loob ng limang minuto.

1. Maagang nahinto sa pag-aaral si Rico. Gusto niyang makapagtapos ng pag-aaral ngunit hindi niya ito magawa dahil nagtatrabaho siya. Anong programa ng pamahalaan ang maaaring tumulong sa kanya?

2. Madalas magkaroon ng nakawan sa inyong lugar lalo na tuwing sasapit ang gabi. Anong serbisyo ng pamahalaan ang maaaring makatulong sa inyong lugar?

3. May angking galing si Rob ngunit dahil sa kahirapan hindi na siya makapagpatuloy ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Anong programa o serbisyong pamahalaan ang maaaring makatulong sa kanya? ​


Sagot :

1. ALS

2. LGU

3. ISKOLARSYIP

Explanation:

1. ALS - Bibigyan siya ng pagkakataon na makapag-aral sa mga oras at araw na libre siya o walang trabaho.

2. LGU - Ireport sa kinauukulan, lalo na sa may kapangyarihan sa lugar.

3. ISKOLARSYIP - Para mabigyan ng pagkakataong makapag-aral ng libre.