I. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno. 1. Sino ang pangulo na naghimok sa kongreso na tanggapin ang dalawang batas ng Amerika? A Elpidio Quirino C. Rodrigo R. Duterte B. Manuel A. Roxas D. Emilio Aguinaldo 2. Ano ang batas na naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa mga tao ngunit may kasamang kondisyon? A. Bell Trade Act B. National Defense Act C. Republic Act ng 1987 D. Philippine Rehabilitation Act of 1946 3. Ano kaya ang kahalagahan ng likas na yaman ng Pilipinas sa mga dayuhang Amerikano? A. Mapaunlad ang mga ito. B. Mapakinabangan ang mga likas na yaman ng bansa. C. Ninais ng mga Amerikano na makipagkalakalan dahil dito. D. Gusto nilang maangkin ang mga likas na yaman ng Pilipinas. 4. Anong batas/kasunduan ang nagsasaad tungkol sa paglinang ng likas na yaman? A. Batas Militar C. Base Militar B. Parity Rights D. Philippine Rehabilitation Act 5. Anong pangyayari ang isang dahilan ng pagsandal ng bansang Pilipinas sa Amerika? A. ang mga mamamayang Pilipino ay magkaroon ng trabaho. B. magkaroon ng maraming pera ang ating bansa. C. mabigyang lunas ang mga suliraning kinakaharap ng bansang Pilipinas dahilan ng pagkawasak sa digmaan. D. makuha ang bansang Amerika.