Basahin o awitin ang kantang "Masdan Mo Ang Kapaligian" mula sa grupong Asin at magmumuni-muni sa mga bagay na nangyayari sa ating kapaligiran. Batay sa kantang ito pumili ng isang proyekto. Maari isa itong poster, collage, poem, o personal na repliksyon tungkol sa mga nangyayari sa ating kapaligiran. Isumite ito sa guro pagkatapos ng linggong ito.

Masdan Mo Ang Kapaligiran By: Asin
Wala ka bang napapansin
Sa iyong mga kapaligiran
Kay dumi na ng hangin
Pati na ang mga ilog natin
Hindi na masama ang pag-unlad
At malayu-layo na rin ang ating narating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
Dati'y kulay asul, ngayo'y naging itim
Ang mga duming ating ikinalat sa hangin
Sa langit, 'wag na nating paabutin
Upang kung tayo'y pumanaw man
Sariwang hangin, sa langit natin matitikman

Mayro'n lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan

Ang mga batang ngayon lang isinilang
May hangin pa kayang matitikman
May mga puno pa kaya silang aakyatin
May mga ilog pa kayang lalanguyan

Bakit 'di natin pag-isipan
Ang nangyayari sa ating kapaligiran
Hindi nga masama ang pag-unlad
Kung hindi nakakasira ng kalikasan
Darating ang panahon, mga ibong gala
Ay wala nang madadapuan
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ngayon'y namamatay dahil sa ating kalokohan

Lahat ng bagay na narito sa lupa
Biyayang galing sa Diyos kahit no'ng ika'y wala pa
Ingaatan natin at 'wag nang sirain pa
'Pagkat 'pag Kanyang binawi, tayo'y mawawala na

Mayro'n lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan


Sagot :

Answer:

ahm u should try to make a poster ganito gawin mo

ahmm,,dba bond paper yan hatiin mo sa dalawa ,,dont think na gugupitin huh??wag ahm sa right side ilagay mo dyan yung magandang kapaligiran then at the left side i draw mo dyan yung mga bad effects na about dyan sa kanta ..ok??ahm makulay dapat dun sa right side tapos dto sa left side dark dapat