lagi Bumuo at sumulat ng isang social awareness campaign (infograpiks) sa tulong ng multimedia (POSTER-ISLOGAN) tungkol sa wastong paghugas ng kamay. Sundin ang sumusunod na hakbang sa pagbuo ng inyong kampanyang panlipunan. 1. Pumili ng paksa. (Wastorg pagkakasunod-sunod ng paghuhugas ng kamay.) 2. Isaalang-alang ang inyong mga mambabasa. 3. Magsaliksik sa paksa. 4. Proseso ng gagawin: Sa isang short bond paper, ipakita sa pamamagitan ng kuhang larawan ninyo (aktwal na kuha na naghuhugas ng kamay) o mga ginupit na larawan ang wastong pagkakasunod-sunod ng paghuhugas ng kamay. 5. isulat ang mga gabay sa paghuhugas ng kamay sa ibaba ng bawat larawang magbibigay ng impormasyon sa madla sa wastong paghuhugas ng kamay bilang inyong kampanya sa panlipunang kamalayan. 6. Ipasa ang inyong output kasama ng sanayang papel na ito.​