Isulat ang T kung TAMA at M kung MALI ang ipinapahiwatig ng bawat pangungusap.

1. Ang Soberanya ang siyang nagtataguyod ng kabutihan at kapakanan ng mga mamamayang nasasakupan

2. May anim na mahalagang sangkap o elementong tataglayin ang isang bansa upang masabing ganap na Malaya ito.

3. Ang watawat , salapi at opisyal na selyo ng bansa ay ilan sa simbolo ng soberanya o kapangyarihan nito.

4. Maaaring makialam ang ibang bansa sa Pilipinas ng walang pahintulot.

5. Sakop ng batas natin maging ang naninirahan o nagtatrabaho sa ibang bansa.

6. Ang pinakamahalagang element ng isang estado ay ang mga mamamamyang nakatira sa teritoryo nito.

7. Ang Soberaniyang Panlabas ay tumutukoy sa lahat ng mga tao at bagay sa loob ng teritoryo.

8. Ang AFP (Arm Forces of the Philippines) ay naatasang mangalaga sa Soberaniya. Sumusuporta sa Saligang Batas at magtanggol sa Teritoryo ng Republika ng pilipinas.

9. Ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan ay pabayaan at hayaan ang bawat mamamayan sa kanilang kagustuhan.

10. Ang isang bansa at ang isang estado ay may mga pagkakatulad at pagkakaiba rin

11. Ang isang estado (Soberaniyang Panlabas) ay hindi nakadepende o kinokontrol ng ibang estado.

12. Ang kapangyarihang pampulisya ay tumutukoy sa pagbibigay restriksiyon sa pagtataguyod ng pangkalahatang kapakanan.

13. Ang misyon ng DND Department of National defense ay maglaan at magpanatili ng seguridad sa pambansang kaunlaran,

14. Kailangan natin ipagtanggol ang soberaniya ng ating bansa.

15. Ang lahat ay kailangan sumunod sa batas ng ating bansa.​