1. Ito ay isang uri ng birtud na may kinalaman sa isip ng tao. Ito ay tinatawag na gawi ng kaalaman (habit of knowledge).
a. Intelektuwal na birtud
b. moral na birtud
c. pag-unawa
d. katarungan
2. Ito rin ay isang uri ng birtud na may kinalaman sa pag-uugali ng tao.
a. Moral na birtud
b. intelektuwal na birtud
c. katarungan
d. pag-unawa
3. Ito ay isa sa mga uri ng moral na birtud na tinuturing na ina ng mga birtud sapagkat ang pagsasabuhay ng ibang mga birtud ay dumadaan sa maingat na paghuhusga.
a. Maingat na paghuhusga
b. katatagan
c. pagtitimpi
d. katarungan
4. Ito ay sistematikong kalipunan ng mga tiyak at tunay na kaalaman na bunga ng pagsasaliksik at pagpapatunay
a. Agham o Science
b. pag-unawa
c. karunungan
d. sining
5. Ito ay isang uri ng intelektuwal na birtud na itinuturing na siyang pinakapangunahin sa lahat ng birtud na nakapagpapaunlad ng isip.
a. Pag-unawa
b. agham
c. maingat na paghuhusga
d. sining
6. Ang ang nagsisilbing gabay at pamantayan upang tayo ay magsumikap sa buhay.
a. pangarap
b. mithiin
c. pagpapahalaga
d. kakayahan
7. Sa mga sumusunod na pahayag, alin ang pinakawasto sa pagtatakda ng mga pangarap?
a. Ipagwalang-bahala muna ito habang ikaw ay bata pa.
b. Ito ay paglaanan ng oras kapag ikaw ay nasa hay-iskul na.
c. Ang pangarap ay hanggang sa panaginip lamang itinatakda.
d. Ito ay itinatakda mula pa sa iyong pagkabata at pinagpupunyagian hanggang sa ito ay makamit.​