Answer:
Ang pagpapasya ay proseso. Bawat pagkilos ayon dito ay tiyak na mapapabuti ang pagpapasya.
1. Alamin ang mga impormasyon ng may katumpakan hanggat posible. Nangangailangan ito ng pag-oobserba, pagkuha ng mga reperensya o report mula sa mapagkakatiwalaang tao o organisasyon.
2. Maging sensitibo sa paggamit ng panahon at timing. Hindi lahat ng mahusay na mga pasya ay nakabubuti. Ang haba ng panahon ng pagpapasya ay maaaring mawalan ng saysay sa ilang kalagayan. Ang igsi naman ng panahon ng pagpapasya ay minsang kakikitaan ng kahinaan dahil sa kawalan ng paghahanda.
3. Gawing giya ang mga prinsipyong moral. Ang bawat isyu na dapat pagpasyahan ay nagbabago. Pero ang mga prinsipyo na kaakibat dito ay hindi nagbabago. Ang pagsunod dito ay magsasabi sa iyo ng resulta. Bagaman mayroong mahalagang mga aral ang makukuha sa karanasan ng iba o sa iyong nakaraan, hindi nito lubusang naaabot ang katumpakan ng mga kasalukuyang mga kalagayan.
4. Ipanalangin. Hindi lahat ng natatamo nating kaunawaan sa mga impormasyon, pag-unawa sa panahon at timing at maging ang prinsipyo nito. Ang Diyos ang isa na lubusang nakakaunawa ng mga ito. Hindi ito nagbabago. Siya ang puwedeng magbigay ng kapayapaan ng isip upang makapag-isip ng may karunungan.
Explanation:nothing