paano natukoy ang pag-usbong ng nasyonalismo sa iba't-ibang bahagi ng daigdig?​

Sagot :

Explanation:

Sa bahaging ito ng Modyul ay inaasahan, na matututuhan mo ang kahulugan ng nasyonalismo, ang mga salik at pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong at pag-unlad ng nasyonalismo sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya. Ano ang mga naibunga nito sa mga bansa at pamumuhay ng mga tao?

Maaari mong balikan ang iyong mga kasagutan at katanungan sa unang bahagi ng Modyul na ito. Sa pamamagitan nito ay malalaman mo ang iyong wastong mga sagot.

Marahil handa ka nang magbasa tungkol sa mga tunay na kaganapan sa pag-usbong ng Nasyonalismo sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya. Naniniwala akong mawiwili ka sa pagbabasa nito.

NASYONALISMO SA ASYA

Ang pananakop,pagpapasailalim sa kapangyarihan at pagsasamantala ng mga bansang Kanluranin sa mga bansang Asyano, ang nagbigay- daan sa pag-usbong ng nasyonalismo sa Asya.

Ang nasyonalismo ay damdaming makabayan na maipakikita sa matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang-bayan,ayon sa aklat na SEDP Kabihasnang Asyano. Ang nasyonalismo sa Asya ay may ibat ibang anyo tulad ng defensive nationalism o mapagtanggol na nasyonalismo gaya ng ipinakita ng bansang Pilipinas at aggressive nationalism o mapusok na nasyonalismo na minsang ginawa ng bansang Hapon.

Ang pangunahing manipestasyon ng nasyonalismo ay pagkakaisa makikita ito sa pagtutulungan, pagkakabuklod sa iisang kultura, saloobin at hangarin. Maituturing ding manipestasyon ng nasyonalismo ang pagmamahal, pagtangkilik sa sariling mga produkto,ideya at kultura ng sariling bayan.

Naipapakita rin ang nasyonalismo sa pagiging makatwiran at makatarungan. Ang kahandaang magtanggol at mamatay ng isang tao para sa bayan ay maituturing na pinakamahalagang manipestasyon ng nasyonalismo.

Dahil sa hangarin ng mga Asyano na wakasan ang panghihimasok ng mga Kanluraning bansa sa kanilang kinamulatang pamumuhay at makamtan ang kalayaan, maraming makabayang samahan ang naitatag sa Asya.Ang mga samahang ito ay pinangunahan ng mga kabataang nakapag-aral.Tunghayan natin ang nasyonalismong ipinakita sa Timog at Kanlurang Asya