Gawain 2: Ano ang iyong gagawin sa sumusunod na sitwasyon? Pangatwiran ang iyong kasagutan. 1. Namamasyal kayo sa Darapidap Beach. Habang naglalakad sa baybayin nito ay nakaramdam ka ng matinidng pag-ihi ngunit malayo naman ang palikuran. Kung sa baybayin ka iihi ay wala namnang makakakita sa iyo. Saan ka iihi? 2. Kumakain kayo ng ice cream habang naglalakad sa tabi ng kalsada. Pagkatapos ninyong kumain ay hinanap ninyo ang basurahan para itapon ang mga stick na inyong ginamit. Dahil wala kayong makitang basurahan, bigla na lang itinapon ng kasama mo ang sitck sa tabi-tabi dahil wala naman daw nakakakita. Ano ang gagawin mo? 3. Habang nasa sasakyan ay ngumunguya ka ng bubble gumn. Nang malasahan mong matabang na ito, ano ang gagawin​

Sagot :

Answer:

1.) Para sa akin, pipiliin ko pa ring umihi sa palikuran dahil ito ang mas tamang gawin. Alam naman natin na ang pagdisiplina ang mairal na dapat nating gawin. Mas makakabuting pipigilan ko na lang ang aking pag ihi upang di makabastos sa ibang tao.

2.) Sa tingin ko, mas nakakabuting pulutin na lamang ang stick na tinapon ng aking kaibigan at itapon ito sa tamang basurahan dahil maaari ko namang itapon ito sa aming basurahan sa bahay kung wala talagang makitang basurahan o kaya naman ay hintayin pa kung may madadaanang basurahan. Ito ang tamang gawin dahil dito naipapakita ko ang pagkakaroon ng disiplina ukol sa basura.

3.) Sa aking palagay, mas nakakabuting hintayin ko ang pagtigil ng sasakyan upang itapon ang aking bubble gum sa tamang basurahan o kaya naman ay ilagay ko na lamang ang bubble gum sa lalagyanan nito para mailagay ko sa aking bag at saka na lamang itapon sa tamang basurahan upang walang mabiktima sa tinapon kong bubble gum. Alam naman natin na ang pagkakaroon ng disiplina ang mairal nating gawin upang magawa natin ng tama ang isang gawain.

Sana nakatulong po.