Gumawa sumulat ng sariling alamat gamit ang pang-abay na pamanahon, panlunan, at pamaraan. Buuin ang alamat sa tatlong talata na may lima o higit pang pangungusap.​

Sagot :

Answer:
ALAMAT NG ORASAN

Noong unang panahon na kung saan hindi pa alam ng mga tao ang konsepto ng oras, ay may isang bata na nagngangalang DHAR sa isang baryo na malapit sa kagubatan at bundok, si DHAR ay isang matalinong bata, palagi siyang sinusuportahan ng kaniyang mga magulang na si Kalen at Yo, palagi niyang binibilang ang bawat araw na lumilipas at inuukit ito sa bato, buong araw ay puro bilang ng bilang lamang siya at halos hindi na rin siya hindi nakakatulog kakaisip pinagpatuloy niya ito sa loob ng 3 taon, pero isang araw napansin ng kaniyang mga magulang ang kaniyang mga ginagagawa at itinago ang bato na kung saan nakaukit ang bilang at oras na pinaghirapang gawin ni Dhar gamit ang kaniyang puso't isipan. Napansin ni DHAR na nawawala ang kaniyang bato kaya naman tinanong niya ang mga magulang kung nasaan ito. Nag-usap silang pamilya "Aming itinapon ang bato dahil hindi mo inuuna ang iyong kalusugan" pagsisinungaling ng kaniyang mga magulang, ngunit si DHAR biglang nagalit sa kaniyang mga magulang, "Ang nilalaman ng batong iyon ay mas mahalaga pa sa inyo na mga magulang ko tapos itatapon niyo lang? Mas mabuti pa na putulin niyo na din ako ng dalawang kamay dahil wala na rin naman akong magagawa sa buhay ko!". sabi niya, at kusa siyang umalis sa bahay, hindi lamang niya pinakinggan ang susunod na sasabihin ng kaniyang mga magulang na "Nagbibiro lang kam-", pero hindi niya ito narinig dahil wala nang pakialam si Dhar sa kahit ano pang sasabihin ng kanyang ama't ina, sinubukan niya kaagad hanapin ang bato na akala niyang tinapon ng kaniyang mga magulang, pero hindi niya ito mahanap sa buong baryo, hinintay ni Kalen at Yo ang pagbabalik ng kaniyang anak, pero hindi na ito muling nagbalik. Makalipas ang ilang buwan ng pagkawala ni DHAR, ay muling inilabas ng mag-asawa ang bato na inukitan ni DHAR ng mga bilang at oras, napansin nila na may dalawa itong kamay na nagalaw, naalala ng mga magulang niya ang sinabi ng kaniyang anak noon bago ito pinalayas, at nagsimulang umiyak. Simula noon idinikit nila ito sa kanilang bahay upang malaman nila ang oras at araw hanggang muling magbalik ang kanilang anak.