A. Pagsasanay Makikita sa ibaba ang ilang pangungusap, basahin ang mga ito at bigyang-pansin ang mga bahaging may salungguhit.

•Noong unang panahon ay may dalawang magkapatid na naninirahan sa Pangpang ng Laguna de Bay na maagang naulila sa ina.

•Kasunod nito, bumalik ang matandang pulubi sa tahanan ng magkapatid upang bigyan ng mumunting buto ng halaman si Mangita at nang gumaling ito sa kanyang sakit.

•Sa huli, si Larina ay nasadlak sa lawa at walang tigil na sinusuyod ang kanyang buhok upang hanapin ang mga butong kanyang itinago.
Pansinin ang mga salitang may diin sa pangungusap. Ano ang naging gamit ng mga ito?
Subuking alisin ang mga salitang ito sa pangungusap at basahin itong muli. Ano ang iyong napansin?​