Answer:
Ang kahulugan ng salitang galak
ay ang pagiging masaya. Ito ay isa
sa mga maaaring maramdaman ng
isang tao na kaaya-aya sa kanyang
pakiramdam. Maraming mga dahilan para
maramdaman ang galak ng isang tao.
Maaaring magbigay ng galak ang isang
bagay o kaya ay tao.
Karaniwang ginagamit ang salitang
galak ng isang tao kapag may
pinapakilala sa kanya na ibang
tao. Kadalasan isinasagot ang
"Ikinagagalak kitang makilala” na
ang ibig sabihin nito ay natutuwa sya
o masaya siya na makilala ang tao
na ipinakilala sa kanya.
.
Ginagamit din ang salitang
galak kapag may ipapakilala ang
isang tagapagsalita. Halimbawa:
Ikinagagalak kong ipakilala sa
inyong lahat ang aking butihing may
bahay na si Maria.
.
Narito pa ang ilan sa mga nauugnay
o kasingkahulugan ng salitang galak:
maligaya, nasisiyahan, natutuwa,
buong puso, malugod, taos-puso.
Explanation:
I hope it helps