Gawain 1: Tukuyin Mo
Panuto: Tukuyin ang anyo ng Neokolonyalismo kung ito ay nasa ilalim ng
Edukasyon, Politika, Ekonomiya o Kultura. Isulat ito sa iyong hiwalay na
sagutang papel.
1. Pagpapatayo ng mga unibersidad ng mga Kanluraning bansa sa India.
2. Pakikialam ng United States sa mga batas na ipinapatupad sa mga
bansa sa Timog Asya.
3. Paggamit ng wikang Ingles imbes na wikang Indian o Hindu.
4. Paglalagay ng kapital ng mga kompanyang Amerikano sa bansang India.
5. Pagtulong ng United States sa Kuwait nang makipagdigma ito sa Iraq.
6. Paggamit ng kurikulum ng mga British bansa sa India
7. Pagpasok ng mga awitin, pelikula, sayaw, pagkain at libangan sa mga
mahihinang bansa.
8. Pakikipagkalakalan ng mga Kanluraning bansa sa Kanlurang Asya dahil
sa reserbang langis nito.
9. Pagbatay ng mga batas at anyo ng pamahalaan sa mga Kanluraning
bansa.
10. Pagbibigay ng tulong at donasyon upang unti-unting makatayo sa
sariling paa ang mga mahihinang bansa,