Ang akdang Hele ng Ina sa kanyang Panganay ay masining sapagkat naaayon ang paraan ng pagkakasulat nito sa batayan ng pagsulat ng tula.
Una, gumagamit ito ng tayutay o figures of speech sa Ingles. Isang patunay ay ang pagkukumpara ng mga mata ng sanggol sa batang toro.
"Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata,
Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo"
Pangalawa, gumagamit din ito ng tugmaan.
"Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo ilalaan,at mamumuno sa kalalakihan.At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan,Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan."
Nabasa mo na rin ba ang tulang ito? Saang uri ng tula kaya ito kabilang?
Isulat ang iyong sagot sa pahinang ito:
https://brainly.ph/question/1156850