Ang mga panuto ay mga tagubilin o utos na maaring nakasulat o pabigkas na sinasabi.
Halimbawa ng mga ito ay ang sumusunod:
1. Tumahimik sa tuwing may nagsasalita sa harapan.
2. Panatilihing malinis ang kapaligaran upang maiwasan ang paglaganap ng sakit.
3. Bawal magtapon ng basura dito. (Kalimitang nakasulat bilang babala sa mga taong walang disiplina na nagtatapon ng basura)
4. Ilagay sa sagutang papel ang mga letra ng sagot.
5. Dalhin ang mga sumusunod para sa gagawing eksperimento.