Nakakatulong ang akdang pampanitikan sa pagkilala sa bansang pinagmulan nito dahil kadalasang dala-dala ng isang akdang pampanitikan ang mga kuwento at pagsasalarawan ng kultura, pamumuhay, at mga kaugalian ng isang bansa.
Kasama narin dito sa mga akdang ito ang mga napapanahon na pagtingin o pagtaya ng may akda sa sitwasyon sa isang bansa – mapa-pulitikal, mapa-ekonomiya, o mapa-sosyo-kultural man.