Sagot :
Halamang Ornamental
Ang halamang ornamental ay mga tanim na ginagamit na palamuti sa mga tahanan, paaralan, hotel, restaurant, parke, at mga lansangan. Gaya ng mga halamang bulaklakin, halamang baging, at halamang palumpong. Mga halamang hindi namumulaklak at mga halamang medisinal.
Halamang Bulaklakin
Ang mga halamang namumulaklak, na tinatawag ding Angiosperma, Angiospermae o Magnoliophyta ay ang nangingibabaw na mga halamang panlupa sa kasalukuyan. Kasama ng mga gymnosperm, binubuo nila ang mga halamang may buto. Kaiba sila mula sa mga gymnosperm dahil ang mga angiosperma ay nagkakaroon ng mga bulaklak, at may nakalakip o nakasarang mga obyul.
Halamang Namumulaklak (Halamang Panlupa)
Ang mga halamang namumulaklak ang pinaka iba't iba na pangkat ng mga embryophyte (halamang panlupa). Dahil sa nagkakaroon sila ng mga buto, tinatawag silang mga spermatophyte, katulad nga ng mga gymnosperm. Subalit kaiba nga sila mula sa mga gymnosperm dahil sa isang serye ng mga sinapomorpiya (mga hinangong mga katangian). Ang mga katangiang ito kinabibilangan ng mga bulaklak, endosperma sa loob ng mga buto, at ang pamumunga ng mga prutas na naglalaman ng mga buto.
Halamang Namumunga (Halamang may bunga o prutas)
Sa pang-etimolohiya, ang angiosperma ay nangangahulugang isang halaman na nakagagawa ng mga buto sa loob ng isang lakipan; sila ay mga halamang namumunga (mga halamang may bunga o prutas), bagaman mas pangkaraniwan silang tinatawag bilang mga halamang namumulaklak.
Halamang Di namumulaklak
Mga Halamang di-bulalakin Ang Mga Halamang hindi namumulaklak Ay Ang Mga Palmera, Vera Dendrium, Corn Plant, Chinese Bamboo, Japanese Bamboo, Fortune Planet, Song Of India, Song Of Jamaica at marami pang iba.
Mga Halimbawa ng Mga Halamang Ornamental ayon sa Uri nito;
Mga Halamang Ornamental na di namumulaklak;
1. Japanese bamboo
2. Song of India
3. Fortune Plant
4. San Francisco
Mga Halamang Ornamental na namumulaklak;
1. Red Ginger
2. American Rose
3. Baby Sun Rose
4. Sillver Dust
5. Palmera
6. Corn Plant
Mga Halamang Ornamental na mahirap palaguin;
1. Bonsai
2. Pine Tree
3. Alovera
Mga Halamang Ornamental na nabubuhay sa Lupa;
1. Rosas
2. Santan
3. Fortune Plant
4. Lemon Grass
5. Dahlia
Para sa iba pang impormasyon maari rin magpunta sa;
• What is Halamang Ornamental https://brainly.ph/question/1540408
• Mga Halamang Ornamental https://brainly.ph/question/807483
• Uri ng Halamang Ornamental https://brainly.ph/question/125169