Sagot :
Ano ang Pang abay?
Ang pang abay ang tawag sa salitang naglalarawan sa kilos o pandiwa. Ito ay mga salitang naglalarawan ng isang pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. Ang Pang-abay ay may ibat-ibang uri, tatlo ang babanggitin ito ay ang:
1. Pang-abay na Pamanahon
Nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. Sumasagot sa tanong na "kailan".
2. Pang-abay na Panlunan
Ito ay nagsasabi ng lugar o pook kung saan nangyayari ang kilos o pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na "saan".
3. Pang-abay na Pamaraan
Naglalarawan sa paraan ng paggawa ng salitang kilos o pandiwa. Sumasagot sa tanong na "paano".
Halimbawa ng Pang-abay
1. Mabilis na sumunod ang bunso sa payo ng kanyang ate. (Pang abay ang Mabilis)
2. Talagang masungit ang babaeng iyan. (Pang abay ang Talagang)
3. Maliksing kumilos ang aking kuya. (Maliksing)
4. Si beth ay masayang tumakbo papunta sa tatay niya. (Masayang)
5. Magalang niyang tinanggap ang mga bisita. (Magalang)
Para mga karagdagang impormasyon tungkol sa Pang-abay, i click ang link sa ibaba:
https://brainly.ph/question/1901001- Ano ang pang abay? at 5 halimbawa ng pang abay .
https://brainly.ph/question/1002134- Ano ang pang abay at 12 halimbawa ng pang abay?
https://brainly.ph/question/294919- Ano ang Pang abay?
#LetsStudy