ano ang kahulugan ng nasyonalismo sa pagkakaisa








Sagot :

Ang salitang nasyonalismo ay mula sa salitang "nasyon." isang katawagan sa samahan o pangkat ng mga taong may iisang mithiin at layunin sa buhay at pinagbubuklod ng iisang lahi, wika, relihiyon, kaugalian at tradisyon. Tumutukoy ang nasyonalismo sa isang damdaming makabansa ng mga taong nagpapakita ng katapatan sa kanilang bayan, hindi sa pangulo o sa ilang pinuno lamang. Sa paglinang ng nasyonalismo, hindi lamang mahalaga ang lupang tirahan, pamahalaan, o namumuno higit na binibigyang-diin dito ang pagkakaisa ng mga taong naniniwala na kabilang sila sa iisang bansa at handang ipagtanggol at pangangalagaan ito.